Tansingco

3 babae hinarang ng BI

Jun I Legaspi Mar 19, 2023
217 Views

HINARANG ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong babae na nagpanggap umanong mga turista sa Lebanon pero papasok talaga roon bilang mga domestic helper.

Ayon kay BI Commissioner Noman Tansingco umamin ang tatlo sa kanilang tunay na pakay.

“These trafficking syndicates are continuing their nefarious activities, but we will not relax our vigilance in preventing their victims from leaving, and be saved from the evils of human trafficking,” sabi ni Tansingco.

Isa sa tatlong nahuli ay nagsabi umano na pupunta ng Malaysia pero ng suriin ng mabuti ang kanyang pasaporte ay nakita na mayroon itong Egyptian visa.

Sa isinagawang secondary inspection ay umamin umano ito na siya ay papasok na katulong at susuweldo ng $400 kada buwan.

Isa naman sa mga babae ang nagsabi na papasok itong sales agent sa isang appliance company pero kahina-hinala umano ang mga ipinakita nitong dokumento. Hindi nagtagal ay umamin ito na pupunta sa Lebanon para pumasok na kasambahay.

Ang ikatlo ay nagsabi na magbabakasyon sa Hong Kong. Umamin din ito na papasok siya na katulong sa Lebanan.

Ang tatlo ay nasa pangangalaga na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).