Calendar
Provincial
3 binaril sa tricycle todas
Zaida Delos Reyes
Sep 2, 2025
415
Views
PATAY ang mag-asawa at menor de edad nilang anak nang tambangan ng hindi nakikilala at nakatakas na suspek noong Lunes sa Brgy. Nilinan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Sur.
Nakilala ang mga nasawi na sina Ibrahim Payapat, ang asawa niyang si Zenaida at anak na babae.
Batay sa ulat, sakay ang mga biktima ng tricycle na minamaneho ni Ibrahim nang pagbabarilin.
Tumakas ang mga suspect pagkatapos ng pamamaril habang isinugod sa ospital ang mga biktima kung saan sila namatay.
Bebot na HVI sa Cainta tiklo sa P1.7M shabu
Oct 14, 2026

