Inton Boung pagmamalaki na nakipag pose si Mayor Jopet Inton, ikaapat sa kaliwa, sa tatlong nanalong estudyante sa Hermosa National High School, kasama ang mga teachers, sa nagdaang 2024 International Science Olympiad Competition of Southeast Asia (ISOCSEA) National Round Awarding Ceremony.- CHRISTIAN D SUPNAD

3 estudadynate sa Hermosa nanalo ng silver, bronze medals sa ISOCSEA

Christian Supnad Sep 17, 2024
81 Views

HERMOSA, Bataan–Tatlong estudyante mula sa bayang ito ang nananalo ng silver at bronze medals sa 2024 International Science Olympiad Competition of Southeast Asia (ISOCSEA).

Binati at pinarangalan ni Mayor Jopet Inton ang tatlong estudyante na nag uwi ng karangalan mula sa international event.

“Ating binigyang pagkilala ang mga mag-aaral mula sa Hermosa National High School sa ipinakita nilang talino at galing sa nagdaang 2024 International Science Olympiad Competition of Southeast Asia (ISOCSEA) National Round Awarding Ceremony,” ani Mayor Inton.

Sinabi ni Mayor Inton na nakapag-uwi ng pilak na medalya si Jarred Pascual sa Secondary 4 Category at bronze naman ang inuwi nina Gabriel Inigo Cotchesa sa Secondary 2 Category at Rick Justin Pascual sa Secondary 3 Category.

Nagpasalamat ang alkalde sa mga tagapagsanay ng mga batang na sina Science Coordinator Maria Fe M. Ignacio, Lizette Fabian, Rica Reglos at sa Principal na si Arcele Servera.

“Lubos kong pinapahalagahan ang karangalang ibinigay n’yo sa inyong mga magulang, paaralan, kamag-aral at lalo na sa ating bayan, mga anak,” sabi ng mayor.

“Ang mga kabataang gaya n’yo na nagsusumikap na makapagbigay-karangalan sa ating bayan ang sumasalamin sa progreso na patuloy nating isinusulong sa ating minamahal na bayan ng Hermosa,” dagdag pa ni Mayor Inton.