Shabu

3 kulong for life na, bayad P500K pa sa pagbenta ng droga

168 Views

Shabu1

TANAUAN CITY, Batangas–Sa bilangguan ang bagsak ng tatlong Tsinoy na napatawan ng habambuhay na pagkabilanggo ng Regional Trial Court (RTC) Branch 83 Tanauan City, Batangas dahil sa pagbebenta ng mahigit half kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,417,680.

Bukod sa hatol na habambuhay na kulong, pinagbabayad din sila ng tig-P500,000 na multa.

May bonus pang anim na buwang rehabilitasyon si Yu Ali matapos mapatunayang positibo rin sa paggamit ng droga.

Nahuli ang tatlo noong May 2, 2024 sa isang subdivision sa Brgy. Santiago, Malvar, Batangas ng maikasa ang bentahan ng 502.6 gramo ng shabu sa poseur buyer.

Nagkaroon ng palitan ng putok at tumakas ang tatlo sakay ng kanilang sasakyan.

Pagkaraan ng dalawang oras, huli rin sila ng mga awtoridad.

“Ang pag-aresto ay maaaring balita lang sa isang araw, pero ang paghatol ay resulta ng masusing proseso,” pahayag ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez.