Calendar
Cellphone naiwan sa Caticlan Airport naibalik ng OTS sa may-ari
ISANG pasahero papuntang Maynila ang nabawi ang cellphone niyang naiwan sa security screening ng Caticlan Airport noong Setyembre 4, 2026 dahil sa tulong ng mga Security Screening Officers (SSOs) ng Office for Transportation Security (OTS).
Napansin ni SSO Largie Castillon ang isang cellphone na naiwan sa airport service tray sa X-ray output roller kaya ipinaalam kay Shirley Cabanus.
Makalipas ang ilang sandali, lumapit ang isang pasahero ng Cebu Pacific Flight 5J 898 upang i-claim ang gamit.
Matapos ang beripikasyon, naibalik sa kanya ang cellphone. Nagpasalamat ang pasahero sa OTS personnel sa kanilang tulong.
Pinuri ni OTS Administrator Usec. Gilberto DC Cruz ang OTS team sa katapatan at hindi kinuha ang cellphone.
“Ang integridad ay nakikita sa mga simpleng gawa—ang paggawa ng tama kahit walang nakakakita,” ani Usec. Cruz.

