UniTeam

3 Miting de Avance ikinasa ng BBM-Sara UniTeam

280 Views

TATLONG Miting de Avance ang ikinasa ng UniTeam nina presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential frontrunner Sara Duterte sa huling linggo ng kampanya.

Unang lalarga ang Miting de Avance para sa Visayas na isasagawa sa Martes sa Guimbal football field sa Guimbal, Iloilo.

Susundan ito ng Miting de Avance para sa Mindanao sa Huwebes na gagawin naman sa city hall grounds ng Tagum City, Davao del Norte.

Pinakahuli ang gagawing pagtitipon sa tapat ng Solaire Resort sa Parañaque City sa Sabado, ang huling araw kung kailan maaaring mangampanya batay sa panuntunan ng Commission on Elections (Comelec).

Sa Lunes na isasagawa ang halalan.

Kumpiyansa si House Majority Leader at Leyte Rep. Martin G. Romualdez, isa sa campaign manager ni Duterte na bubuhos ang daan-libong suporta sa mga isasagawang Miting de Avance ng UniTeam upang ipakita ang kanilang mainit sa suporta kina Marcos at Duterte.

“These are the culmination of our cross-country campaign visits. In behalf of our candidates, let me express our sincere gratitude to our supporters, local officials, and community and sectoral leaders, and ordinary Filipinos who have been helping and supporting us. Let us keep it up until we achieve victory,” sabi ni Romualdez.

Nanawagan si Romualdez sa mga suporter na sumunod sa health protocol gaya ng pagsusuot ng face masks.

Sinabi pa ni Romualdez na patuloy ang pagpaparating ng mensahe ng pagkakaisa nina Marcos at Duterte na kailangan ng bansa upang agad na makabangon mula sa epekto ng pandemya.

Nanawagan din ito sa mga suporter na bumoto sa araw ng halalan.