Chavez

3 railway project muling isusumite ng DOTr sa NEDA

219 Views

MULING isusumite ng Department of Transportation (DOTr) sa National Economic and Development Authority (NEDA) ang tatlong malalaking railway project na nabigong simulan ng nakaraang administrasyon.

Sinabi ni Transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez na ipapasa sa NEDA ang Tagum-Davao-Digos segment ng Mindanao Railway Project, Calamba – Bicol line ng Philippine National Railways, at ang Subic-Clark Railway Project upang muling magsagawa ng ebalwasyon.

Nakapila ang mga proyektong ito sa Duterte administration subalit hindi napondohan ng China.

Ayon kay Chavez bahala ang Department of Finance (DOF) kung nais nito na muling makipagnegosasyon sa China para sa nabanggit na mga proyekto.

on naman kay Finance Secretary Benjamin Diokno bukod sa China ay maaaring makipagnegosasyon ang gobyerno sa ibang bansa, sa World Bank, o Asian Development Bank para mapondohan ang mga proyekto.