3 taong tagu-taguan ng rape suspek tinapos ng Malabon pulis

Edd Reyes May 4, 2025
18 Views

NALAMBAT ng mga pulis matapos ang tatlong taong pagtatago ang isang suspek dahil sa mga kasong statutory rape, sexual abuse at acts of lasciviousness noong Sabado sa Malabon City.

Sinalakay ng District Special Operations Unit (DSOU), Northern District Intelligence Team ng Regional Intelligence Unit (NDIT-RIU) at Women and Children Protection Section ng Malabon Police Station ang akusado na mahigit tatlong taon ng nagtatago sa batas.

Dakong alas-7:45 ng gabi nalaglag na ng tuluyan sa kamay ng batas si alyas Jepoy na kinasuhan ng magulang ng batang biktimang ginawan niya ng kahalayan sa Dalagang Bukid St., Brgy. Longos

Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Jay Baybayan, isinilbi ng kapulisan kay alyas Jepoy ang warrant of arrest na inilabas ni Malabon Family Court Presiding Judge Abigail Santos Domingo-Laylo na Branch 4 kaugnay ng mga nasabing kaso.

“I issue this stern warning for those who prey on women and children: NCRPO will not rest until you’re arrested and held accountable for your crimes,” sabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director P/MGen. Anthony Aberin.