DOH

300K dose ng donasyong COVID vaccine darating sa bansa

261 Views

DARATING sa bansa ang may 300,000 dose ng COVID-19 vaccine na donasyon ng COVAX facility sa Hunyo 20.

Ayon sa Department of Health (DOH) ang mga ito ang ipapalit sa nag-expired na mga bakuna laban sa COVID-19.

Patuloy umano ang ginagawang pakikipag-usap ng DOH sa COVAX para mapalitan ang mga nag-expired na bakuna.

Aabot umano sa 3.6 milyong expired COVID-19 vaccine doses ang nais na mapapalitan ng DOH sa COVAX facility.