Vergeiri

3,939 edad 12-17 nahawa ng COVID mula Set 1-Nob 3

171 Views

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 3,939 kaso ng COVID-19 sa mga edad 12 hanggang 17 mula Setyembre 1 hanggang Nobyembre 3.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire walang napaulat na naging malubha o nasawi sa mga ito.

Sinabi ni Vergeire na hindi sapat ang bilang na ito upang pigilan ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan.

Paliwanag ni Vergeire mas matimbang ang mga dahilan sa pagpapanatili ng face-to-face classes kung ikukumpara sa naitalang mild infection na naranasan ng mga bata.

Simula Nobyembre 2 ay balik na sa full face-to-face classes ang mga pampublikong paaralan.