Droga Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional ang mga naarestong suspek. Kuha ni JONJON C. REYES

4 laglag sa buy-busts sa Sta Ana at Pampanga

Jon-jon Reyes Dec 10, 2025
288 Views

Droga1ARESTADO ng mga operatiba ng MPD Sta Ana Police Station 6 ang 4 na drug suspect sa buy-busts na isinagawa sa Pasig Line, Sta Ana at Pampanga.

Dalawang suspek ang dinampot madaling araw ng Miyerkules sa Pasig Line habang ang dalawa pa ay natimbog sa magkahiwalay na lugar sa Pampanga, Martes ng hapon.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional, bagong hepe ng Sta. Ana Police Station 6, bandang 2:04 ng madaling araw nang matimbog ang mga suspek na nakilalang sina alyas Arman, 52, obrero, ng Brgy. 781, Sta. Ana Manila at alyas Jhonny, 39, ng Zamora St., Brgy. 782, Sta. Ana.

Ang buy-bust ay isinagawa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PCapt. Bernardo D. Diego,hepe ng SDEU, sa direktang pangangasiwa ni PLT.Col. Nacional.

Nasamsam sa operation ang tatlong maliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P27,200.

Sa Pampanga ay nalambat sina alias Rodel, 53, binata , tricycle driver at residente ng Gugu St., Barangay San Vicente, Bacolor, Pampanga,at si alyas Homer, 49, pintor, at residente ng Bulaon, San Fernando, Pampanga.

Bitbit ng mga operatiba ang arrest warrant na inisyu ni Judge Caroline Rivera -Colasito, ng Manila Regional Trial Court Branch 23.

Inirekomenda ang P120, 000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng mga suspek.

Samantala arestado rin ang isang 63-anyos na lolo dahil umano sa pagkakaroon ng video karera machine sa loob ng bahay sa Dagonoy St., Barangay 775, San Andres Bukid, Manila..

Ang suspek ay arestado ng mga operatiba sa pangunguna ni PCapt. Moises E Garcia, ng Intel/Follow-up/Warrant kasama ang mga tauhan ni PMaj. Izen O Retorbar ng Dagonoy PCP Commander.

Nakumpiska ang video karera machine, P834 at lumang telebisyon sa operation.