BI

4 na Japanese dineport ng BI

Jun I Legaspi Nov 18, 2024
41 Views

KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration ang deportasyon ng apat na Hapones pabalik sa Japan noong Nobyembre 18.

Dineport sina Ueda Koji, Kiyohara Jun, Suzuki Keiji at Sawada Masaya dahil sa paglabag sa Seksyon 37 (a) (7) ng Philippine Immigration Act.

Isa sa nilabag ng apat ang mga kondisyon ng pananatili at pagiging itinuturing na hindi kanais-nais na mga dayuhan.

Ang mga dayuhan may mga nakabinbing arrest warrant sa Japan para sa panloloko at pagnanakaw.

Ang kanilang agarang deportasyon iprinoseso kasama ang mga awtoridad sa Japan upang matiyak ang kanilang pagbabalik at pagharap sa mga kasong legal sa kanilang bansa.

Muling ipinaalala ng BI na mahigpit nilang ipatutupad ang mga batas ng imigrasyon sa Pilipinas at susuportahan ang mga pandaigdigang hakbang laban sa kriminalidad.