Karambola Source: QCPD PIO

4 na sasakyan nagkarambola sa EDSA; pulis, 5 iba pa sugatan

19 Views

SUGATAN ang anim na katao kabilang na ang isang miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) nang magkarambola ang apat na sasakyan sa EDSA Quezon Avenue Tunnel sa Quezon City nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa report nangyari ang insidente, dakong 5:40 ng umaga Mayo 14, 2025, sa EDSA Quezon Avenue Tunnel, Brgy. South Triangle, Lungsod Quezon.

Kabilang sa mga nasangkot sa karambola ang isang motorsiklo, dalawang UV Express at isang pamapsaherong bus.

Agad na naitakbo sa iba’t ibang pagamutan ang anim na sugatan,wala namang nagtamo ng malubhang pinsala.

Samantala, ang driver ng bus na sangkot sa insidente ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon. Ang mga kaukulang kaso ay agad na isasampa sa oras na makumpleto ang lahat ng kinakailangang dokumento at ebidensya.

Tinitiyak ng QCPD sa publiko na ang insidenteng ito ay patas at masusing iniimbestigahan alinsunod sa due process. Bagamat isang tauhan ng QCPD ang nasangkot, ang lahat ng pamantayang proseso ay mahigpit pa ring ipinatutupad upang matiyak ang isang makatarungan, malinaw, at komprehensibong imbestigasyon.