Calendar
4 timbog sa P3.4M drug bust sa Bulacan
PANDI, Bulacan–Apat na hinihinalang supplier ng ilegal na droga ang naaresto sa joint police operation at nasabat din ang tinatayang P3.4 milyon na halaga ng shabu sa Brgy. Poblacion ng bayang ito.
Kinilala ng Bulacan police ang mga naarestong suspek na sina alyas Rehi, 23; Galo, 42; Mario, 52; at Puno, 45.
Isinagawa ang buy-bust sa J. Bernardo St. na pinamunuan ng PNP Drug Enforcement Group-Special Operations Unit NCR (PNP-DEG-SOU NCR) sa ilalim ng superbisyon ni P/Lt. Col. Manuel de Vera Jr., hepe ng Pandi police.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon, marked money, isang cellphone at isang eco bag na pinaglagyan ng droga.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP-DEG-SOU NCR sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang mga suspek.

