Calendar

Nation
42 dayuhan ipinade-deport ng Malakanyang
Chona Yu
Nov 13, 2024
183
Views
IPINATATAPON na palabas ng bansa ng Palasyo ng Malakanyang ang 42 dayuhan na naaresto sa isang Philippine offshore Gaming Operator na nagsasagawa ng illegal na operasyon sa Centro Park, Barangay Parang, Bagac, Bataan.
Base sa memorandum ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inaatasan si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at ang Bureau of Immigration na asikasuhin ang deportasyon ng 42 na dayuhan.
Ipinapa-blacklist din ni Bersamin ang mga dayuhan para hindi na makabalik ng bansa.
Habang pinoproseso ang deportasyon, pansamantalang ililipat na muna ang mga dayuhan sa NASDAKE Building sa Willim Street corner FB Harrison Street sa Pasay City.
Presyo ng gas, diesel, kerosene bababa
May 12, 2025
Senado igagalang pasya ng taumbayan
May 11, 2025
Reporma sa insurance system nararapat na–LCSP
May 11, 2025