Camp

43 suspek na tulak tiklo sa loob ng 2 araw sa CALABARZON

272 Views

CAMP BGEN Vicente P Lim–Apatnapu’t tatlong katao na sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga ang naaresto ng mga pulis sa CALABARZON noong Hulyo 28 at 29.

Sa kasalukuyan nasa kustodiya na ng mga pulis ang mga suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakumpiska sa mga operasyon ang kabuuang 157.54 gramo ng shabu at 50.30 gramo ng marijuana na may standard drug price na P1,077,308.

Pinuri rin ni P/BGen. Jack Wanky, director ng CALABARZON police, ang kasipagan ng mga operatiba sa paghuli sa mga kriminal.

“Ang pagkakaaresto ng 43 katao sa loob lamang ng dalawang araw ay patunay ng ating determinasyon na sugpuin ang ilegal na droga sa rehiyon,” sabi ni P/BGen. Wanky.