Calendar
Cavite dinala sa barangay voter registration
NOVELETA, CAVITE–Bukas na ang voter’s registration ng Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na ipinagpaliban sa November 2026.
Nagbukas sa kani-kanilang mga satellite registration sites ang walong siyudad at 15 munisipalidad ng Cavite.
Nag-start ang registration sa Santa Rosa barangay hall, Noveleta sa pamumuno ni Election Officer Jasmin Gilera para suriin at tanggapin ang mga magpapa-register sa naturang bayan.
“Ang layunin po ng satellite registration sa mga barangay ay para ilapit sa bawat barangay ang pagpapatala at hindi na lalayo pa at pupunta pa ng bayan para magparehistro,” sabi ni Gilera.
Matatagpuan sa dating gusali ng municipal health center sa tabi ng police station sa municipal hall compound sa Brgy. Poblacion.
Bumuhos ang mga magpapatala sa SM Tanza para sa unang araw ng pagpapatala para sa satellite registration dito.
Bukas ang registration kahit Sabado at Linggo para sa mga hindi available sa weekdays.

