Gatchalian

44% dismayado sa K-12

361 Views

NASA 44 porsyento ng mga Pilipino ang dismayado sa K-12 program ng Department of Education (DepEd).

Ito ay ayon sa survey ng Pulse Asia na kinomisyon ni Senator Sherwin Gatchalian kung saan 39 porsyento ang nagsabi na sila ay nasisiyahan sa naturang programa at 18 porsyento ang walang desisyon.

Ang mga dismayado sa program ay mas mataas ng 16 porsyento kumpara sa survey na ginawa noong Setyembre 2019.

Ginawa ang survey mula Hunyo 24 hanggang 27 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents na edad 18 taong gulang pataas. Mayroon itong sampling error of margin na ±2.8.

Sinabi ni Gatchalian na malinaw na dismayado ang maraming Pilipino sa ipinatutupad na K-12 programa kaya kailangan umano itong repasuhin at baguhin upang matupad ang ipinangako sa mga magulang na mas magiging handa ang kanilang mga anak sa pagpasok sa kolehiyo o sa pagtatrabaho pagkatapos ng senior high school.