Natutulog na kelot tigok sa sunog sa QC
Jun 25, 2025
Otoko happy at content matapos iwan ang showbiz
Jun 25, 2025
Obrero arestado sa pagdadala ng granada
Jun 25, 2025
KAMARA HAHARAP NG WALANG KONDISYON
Jun 25, 2025
DOTr sa uploader ng viral video: Nasa likod mo kami
Jun 25, 2025
Calendar

Health & Wellness
470,000 kaso ng TB naitala noong 2022
Peoples Taliba Editor
Mar 19, 2023
344
Views
UMABOT sa 470,000 ang mga Pilipino na nagkaroon ng tuberculosis (TB) noong 2022, ayon sa Department of Health (DOH).
Ayon kay Dr. Ronald Allan Fabella, TB advisor ng DOH, mas marami ang inaasahang bilang ng mga Pilipino na nahawa ng TB batay sa pagtataya ng World Health Organization (WHO).
Ang 470,000 na naitala ay ang mga nagpagamot lamang umano.
Binigyan-diin ni Fabella ang pangangailangan na matukoy ang mga indibidwal na mayroong TB upang magamot ang mga ito at hindi makapanghawa.
Nakaapekto umano sa kampanya ng gobyerno kontra TB ang pandemya.
Sa Marso 24 ay gugunitain ang World TB Day.