Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
48 bahay wasak sa buhawi sa Ilocos Sur
Zaida Delos Reyes
Sep 22, 2025
428
Views
UMABOT sa 48 bahay ang nasira matapos manalasa ang mga buhawi na dulot ng super bagyong “Nando” sa tatlong barangay sa Santa Maria, Ilocos Sur nitong Lunes ng umaga.
Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Arwin Vendiola, naganap ang insidente dakong 11:00 ng umaga.
Nagsimula ang buhawi sa dagat at tumama sa Barangay Nagsayaon, Nagtupacan at Maynganay Norte.
Sa lakas ng buhawi ay nagliparan ang bubong at yero ng mga bahay, natumba ang mga puno at nasira rin ang ilang poste ng kuryente.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang clearing operation at pagsasaayos ng mga nasirang bahay sa lugar.
Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

