Calendar
Hagupit ni super typhoon Nando pinaghandaan ng Batangas police
ITINAAS na sa full alert status ang pwersa ng Batangas Police Provincial Office bilang bahagi ng paghahanda sa hagupit ng super typhoon Nando na naglandfall sa Cagayan nitong Lunes ng hapon.
Tiniyak ni BPPO Director Police Col. Geovanny Emerick Sibalo na naka-preposition na ang mga gamit para sa disaster response.
Handa na rin aniya ang mga pulis sa search and rescue, evacuation, clearing, at relief operations, katuwang ang LGUs, national agencies, at iba pang stakeholders.
Nakatuon aniya ang kanilang mga pulis sa pagresponde para maprotektahan ang buhay ng mga residente sa gitna ng pananalasa ng super typhoon Nando.
Sa Lucena City, pansamantalang sinuspinde ng Coast Guard Station Northern Quezon ang mga biyahe ng bangka patungong Polillo Islands at General Nakar, matapos isailalim sa Signal No. 1 ang lugar dahil kay “Nando”.
Ang kautusan ay alinsunod sa HPCG Memorandum Circular 02-23 ukol sa galaw ng mga sasakyang-pandagat sa panahon ng masamang panahon.

