Calendar

48K katao apektado ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon
Nina JUN I. LEGASPI & ZAIDA DELOS REYES
GINIMBAL ng malakas na pagsabog ng Bulkang Kanlaon ang Negros Island nitong Martes ng madaling araw kung saan tinatayang nasa 48,000 indibidwal sa lugar ang naapektuhan.
Batay sa ulat ng Office of Civil Defense o OCD, dakong 5:51 ng umaga nang maganap ang volcanic eruption.
Nagbuga din ang bulkan ng makapal na usok at abo na umabot sa 4,000 metro ang taas.
Ayon kay Director Teresito Bacolcol, chief of the Philippine Institute of Volcanology and Seismology ( Phivolcs ) umabot sa halos isang oras ang pagbubuga ng abo at usok ng bulkan at natapos ito dakong 6:47 ng umaga.
Sa ngayon, nanatili sa alert level 3 ang paligid ng bulkan at nasa 8,000 indibidwal naman ang pansamantalang nanunuluyan sa 22 evacuation centers .
Apektado ng ibinugang abo ng bulkan ang isang Barangay sa La Castellana, Negros Occidental habang apat na barangay naman sa La Carlota City ,Negros Occidental at isang barangay sa Bago City sa Negros Occidental.
Apektado ng binugang abo ang isang barangay sa La Castellana, habang apat na barangay sa La Carlota City at isang barangay sa Bago City pawang mga sakop ng Negros Occidental.
Ayon sa Phivolcs, walang lava na inilabas ang bulkan at ang inilabas nito ay pawang mga abo, steam at pyroclastic density current o magkahalong abo, bato at gasses na bumababa sa dalisdis ng bulkan.
Kung lalala umano ang kondisyon ay posibleng itaas ang alert level sa paligid ng bulkan.
CAAP sa mga piloto: Umiwas sa Mt. Kanlaon
Samantala, naglabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen (NOTAM) noong Martes kaugnay ng mga paglipad sa paligid ng Bulkang Kanlaon.
Sakop ng nasabing abiso ang airspace mula sa ibabaw ng lupa hanggang sa 22,000 talampakan.
Epektobo ang NOTAM mula alas-8:20 ng umaga ng Abril 8, 2025 hanggang alas-5:51 ng umaga ng Abril 9.
Pinapayuhan ang mga airline at flight operators na iwasan ang paglipad malapit sa nasabing bulkan dahil sa panganib na dulot ng abo mula sa aktibidad ng bulkan.