Calendar
4th Gapos Gang suspek huli na
SAN LEONARDO, Nueva Ecija–Nahuli na ang apat na lalaki na umano’y nagnakaw noong Hulyo 3 ng aabot sa P1.6-million sa bahay ng overseas Filipino worker (OFW) sa bayang ito.
Kasunod ng pagkakaaresto sa ikaapat na suspek, nasakote naman si alyas Lex, 42.
Ayon kay Nueva Ecija police chief Col. Heryl Bruno nauna nang nahuli ang dalawa sa limang suspek kabilang ang sinasabing mastermind na 40-anyos na dating OFW na umano’y kapatid na ampon ng asawa ng biktima.
Nasa kustodiya na ng mga pulis ang isa pang suspek na kinilalang si alyas Tune na boluntaryong sumuko at isiniwalat ang mga detalye ng pagnanakaw.
Naganap ang pagnanakaw ng umalis ang biktima para sa isang salu-salo sa Clark, Pampanga.
Narekober sa Palayan City alas-7:30 ng umaga ang $1,900 (P106,400) at P86,073.75, dalawang wedding ring (P80,000), isang Rolex (P400,000) at Nike bag.
Samantala, pinuri ni Police Regional Office 3 Acting Regional Director P/BGen. Ponce Rogelio I. Peñones Jr. ang operasyon ng mga pulis na ikinadakip ng mga suspek.

