Calendar
Provincial
Scholarship grant ng Calapan para sa mga estudyante aabot ng P25K
Helen D. Prado
Jul 7, 2025
499
Views
AABOT sa P25,000 simula ngayong Hulyo ang scholarship grant ng Calapan City para sa lahat ng scholars.
“Education is the greatest equalizer in life kaya ayaw po namin na ‘di nag-aaral ang inyong mga anak,” sabi ni Mayor Doy Leachon nang makaharap ang mahigit 400 scholars sa orientation na isinagawa ng City Education Department sa pamumuno ni Marvie Mañibo.
Ang mga scholars na ito ay bukod pa sa 2,000 scholars na nag-aaral sa City College of Calapan.
Nagpasalamat ang mga mag-aaral sa mga konsehal ng 10th City Council sa pangunguna ni Vice Mayor Bim Ignacio sa pag-apruba ng scholarship budget para sa kanila.
Mastermind sa pamamaril sa Bataan pinosasan
Jul 25, 2026
DOLE, Laguna tuloy sa pakikipag-ugnayan
Jul 24, 2026
Shabu, marijuana nakumpiska sa 2 suspek na tulak
Jul 23, 2026
PRO 4A cops inaresto 63 crime suspek
Jul 23, 2026

