Calendar
Source: Romblon PPO
Govt worker arestado sa marijuana
ISANG kawani ng pamahalaan ang inaresto kaugnay ng pagkakadiskubre ng isang package na may lamang halos 50 gramo ng marijuana sa Romblon, Romblon noong Sabado.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), natuklasan ng mga kawani ng courier service provider sa Brgy. Capaclan, Romblon ang isang parcel na may kahina-hinalang laman.
Nang suriin, natuklasan na ang parcel ay naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana at nasa pangalan din ng akusado na kinilala sa alyas Bryan, 47.
Nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng PDEA Romblon Provincial Office kasama ang Philippine Coast Guard-Romblon at Romblon Police Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakadakip ng akusado.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek, ayon sa PDEA director general.

