Phivolcs Source: DOST Phivolcs

5.7 magnitude na lindol niyanig ang N. Samar

Zaida Delos Reyes Aug 19, 2024
93 Views

NIYANIG ng 5.7 magnitude na lindol ang Pambujan, Northern Samar nitong Lunes ng umaga.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol dakong 11:39 ng umaga at unang naitala na may lakas na magnitude 6.

Ang sentro ng lindol na may tectionic origin at lalim na 54 kilometro ay matatagpuan sa Pambujan, Northern Samar.

Naramdaman ang Intensity 5 ng lindol sa Bobon, Catarman, Laoang, Lavezares, Palapag, Rosario at San Roque sa Northern Samar.

Intensity 4 naman ang naramdaman sa Pilar at Sorsogon City sa Sorsogon

Umabot sa Intensity III ang naramdaman sa Legazpi City at Tabaco sa Albay; Virac, Catanduanes, Masbate , Bulusan at Irosin sa Sorsogon, Burauen at Javier Leyte.

Naitala din ang Intensity II na pagyanig sa Calubian, Hilongos , Leyte at Mahaplag sa Leyte , gayundin sa Hinuinangan at Sogod sa southern Leyte.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasaktan sa lindol bagamat inaasahan ang pagkakaroon nito ng aftershock.