Bata

5-anyos na batang babae, binaril ng 2X, agaw-buhay

334 Views

LUCBAN, QUEZON— Kasalukuyang nakikipaglaban sa kamatayan ang isang 5 taong gulang na babae matapos barilin ng dalawang beses sa Urban Poor Subd., Phase 1, Brgy. Ayuti, sa bayang ito Lunes ng hapon.

Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala mula sa kalibre .45 pistola sa tiyan at braso.

Ayon sa pulisya, naganap ang pamamaril dakong 2:25 ng hapon habang ang biktima at kanyang kuya ay nasa terasa ng kanilang bahay.

Matapos ang pamamaril, mabilis umanong tumakas ang hindi nakilalang suspek.

Isinugod ang biktima sa MMG Hospital at kaagad nilapatan ng lunas.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

Kaagad ipinag- utos ni Quezon police director Col. Ruben Lacuesta ang mabilisang pag- iimbestiga sa pamamagitan ng backtracking at forward tracking sa mga CCTV cameras sa lugar at paghahanap ng testigo upang kaagad makilala at madakip ang suspek.

Nag-request na din si Major Bryan Vicedo, hepe ng pulisya, ng SOCO assistance mula sa Quezon Provincial Crime Laboratory Office upang ma process ang crime scene.