Cybersex

5 menor de edad na babae nasagip sa online sex den sa Bulacan

Bernard Galang Aug 15, 2025
267 Views

NASAGIP noong Huwebes ang limang menor de edad na kababaihan mula sa isang cybersex den sa Bgy. Lambakin, Marilao, Bulacan

Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones Jr., sinabi ng Bulacan police na nagpatupad ng search warrant ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation cybercrime division kasama ang MSWD Marilao sa isang bahay sa Northville, Bgy. Lambakin, Marilao dahil sa paglabag sa online sexual abuse o exploitation of children (OSAEC).

Arestado sa operasyon ang umano’y sex trafficker at may-ari ng bahay na si alyas Tisay, at ang pagsagip sa limang menor de edad na babae na pawang residente ng Bgy. Lambakin.

Dinala ang suspek at ang mga nasagip na biktima sa NBI Main Office sa Pasay City para sa kaukulang disposisyon.