Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Immigrant Screen grab from ICE website file video

5 pinaghahanap sa sariling bansa tiklo sa US

96 Views
Immigrant1
Screen grab from ICE website file video

LIMANG umano’y illegal immigrants na may mga kasong pagpatay at iba pang kaso sa kanilang bansa ang naaresto ng mga awtoridad sa New England, ayon sa US Immigration and Customs Enforcement (ICE).

Ang isa sa mga suspek na si Bryan Rafael Gomez ay inaresto noong April 4 sa Worcester, Massachusetts para sa homicide.

Pinaghahanap ng mga awtoridad sa Dominican Republic ang suspek.

Si Altieris Chaves Paiva ay inaresto noong April 5 sa Falmouth, Massachusetts na wanted din sa Brazil.

Si Kele Cristian Alves-Pereira ay inaresto noong March 13 sa Everett, Massachusetts para sa pagpatay.

Noong March 10 sa Waterbury, Connecticut, isang wanted na pugante sa El Salvador na si Danny Granados-Garcia ay inaresto para sa kasong aggravated homicide at di-umano’y pagiging miyembro sa isang teroristang organisasyon.

Si Magno Jose dos Santos, na naaresto noong March 22 sa Worcester, Massachusetts, ay pinaghahanap sa Brazil dahil sa mga kaso ng homicide at attempted homicide.

Ang mga pag-aresto ay nagbibigay-diin sa pagtuon ng ICE sa mga dayuhang mamamayan na inakusahan ng malubhang krimen sa ibang bansa.