Vatican

Pope Leo: Ang kapangyarihan ng Diyos mas malakas kesa anumang pwersa ng kadiliman

264 Views

IPINAGDIWANG ni Papa Leo ang Misa ng Easter Vigil sa Basilika ni San Pedro.

Sa kanyang homiliya, sinabi ng Papa na ang Pasko ng Pagkabuhay ay “nagpapalayas ng poot, nagtataguyod ng pagkakasundo, at nagpapabagsak sa mga makapangyarihan.”

“Ang kapangyarihan ng pag-ibig ng Diyos,” ayon kay Papa Leo, ay “mas malakas kaysa sa anumang puwersa ng kasamaan … Maaaring patayin ng sangkatauhan ang katawan, ngunit ang buhay ng Diyos ng pag-ibig ay buhay na walang hanggan, na lumalampas sa kamatayan at hindi kayang ikulong ng anumang libingan.”  Vatican News