Suspek

5 suspek sa krimen nalambat sa NE

Steve A. Gosuico Jul 22, 2025
287 Views

CABANATUAN CITY–Hindi napigilan ng malakas na ulan ang Nueva Ecija police ng tikluin ang limang umano’y lumalabag sa batas at nasamsam sa kanila ang shabu na handa nang ibigay sa user noong Martes.

Kinilala ni Nueva Ecija cop chief Col. Heryl Bruno ang mga naaresto na dalawang hinihinalang tulak shabu at isang hinihinalang gun runner na nahulog sa kamay ng parak sa Licab, Santo Domingo at San Isidro.

Nakuha sa mga suspek ang 0.69 gramo ng shabu, isang cal .22 revolver at P500 buy-bust money.

Samantala, dalawang suspek sa krimen ang nabitag sa San Leonardo at San Jose City sa bisa ng arrest warrants.

Nasa kustodiya na ngayon ng operating units ang lahat ng mga naarestong suspek para sa kaukulang disposisyon.