Bautista

50 pamilyang apektado sa itinatayong NSCR binigyan ng bahay

151 Views

INILIPAT ng bahay ang may 50 pamilya na maaapektuhan sa itatayong North-South Commuter Railway (NSCR) Extension Project sa Pampanga.

Isang acceptance ceremony ang isinagawa ng Department of Transportation (DOTr) at Philippine National Railways (PNR) para sa pagbibigay ng socialized housing unang 50 pamilya na maaapektuhan sa proyekto sa San Fernando, Pampanga.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni DOTr Sec. Jaime Bautista na mayroon pang mga pamilya na bibigyan din ng pabahay sa hinaharap.

“Ito po ay isa sa mga una nating pabahay, at marami pa po ang darating na pabahay na ibibigay ng DOTr, sa pamamagitan ng pagtutulungan sa local government, DHSUD, NHA, at iba pang ahensiya,” ani Bautista.

“Hindi lamang pabahay ito, may kasama rin itong pangkabuhayan. Tutulungan po namin kayo na magkaroon ng mas magandang buhay paglipat n’yo rito sa mga pabahay,” dagdag pa ng kalihim.

Ang seremonya ay sinundan ng isang walk-through at inspection ng mga housing unit.

Ang NSCR-Ex Project ay bahagi ng 147-km NSCR System na may biyaheng Malolos-Clark at Calamba. Kapag natapos ang mahigit apat na oras na biyahe ay magiging dalawang oras na lamang.