Bertiz

50,000 scholarship slot inilaan ng TESDA para sa anak ng magsasaka

184 Views

MAY nakalaang 50,000 scholarship slot ngayong taon ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga magsasaka at kanilang mga anak.

Ayon kay TESDA Deputy Director General Aniceto John Bertiz III ang scholarship grant ay bahagi ng Rice Extension Services Program (RESP) ng gobyerno.

Layunin umano ng programa na maging highly skilled ang mga lokal na magsasaka na tuturuan ng crop at animal production, seed preparation at irrigation upang mapataas ang kanilang produksyon at kita.

Mahigit umano sa 50,000 ang nagtapos sa ilalim ng RESP noong 2020 at 2021.

Nakapagtayo rin umano ang TESDA ng 665 farm field school sa iba’t ibang lugar sa bansa sa ilalim ng Agro-Entrepreneurship program.

Bukod sa mga magsasaka at kanilang mga anak, ang scholarship ay bukas para sa mga dating overseas Filipino workers (OFWs), at mga nawalan ng trabaho.