Belmonte

57 ‘askal’ na nasagip ng QCVD sasanayin maging mga police dog

Mar Rodriguez Feb 28, 2022
301 Views

SINISIMULAN nang sanayin bilang mga miyembro ng “K-9 Units, bomb sniffing dogs at Community Service animals” ang mga tinaguriang “askal” o mga asong kalye. Kabilang ang mga abandonadong aso at mga hayop na pinagmamalupitan ng kanilang amo, ayon sa Quezon City Veterinary Department (QCVD).

Sinabi ng QCVD na tinatayang 57 askal kada araw ang kanilang nasasagip kabilang na dito ang mga asong dinadala mismo ng kanilang mga amo sapagkat hindi na nila kayang alagaan.

Nabatid naman kay QC Mayor Josefina “Joy” Belmonte na bago sumailalim sa pagsasanay ang mga nasabing askal kinakailangan muna silang suriin ng mga beterinaryo mula sa QCVD para tiyakin na nasa maayos na kalusugan ang mga aso.

“Before training them, our veterinarians make sure that the rescued animals undergo a comprehensive assessment, health checkup and even temperament test. This is to determine if a dog is suitable as a pet or community service canine,” ani Belmonte.

Sinabi ni Belmonte na bawat aso ay kailangang sumailalim sa obserbasyon sa loob ng tatlong araw at pagsusuri na tinatawag na Safety Assessment for Evaluating Rehoming (SAFETY) upang tignan ang “comfort level” ng bawat aso para narin sa kapakanan ng publiko.

“Each dog will undergo a three day observation and SAFETY test that identifies the dog’s comfort level with restraint and touch, reaction to new experiences including movement and sound stimuli, bite inhibition, behaviour around food and toys and arousal level towards other dogs,” sabi pa ng alkalde.