Lebanon Source: PCO

571 Pilipino sa Lebanon handa nang umuwi, 20 nasa Pinas na

Chona Yu Oct 12, 2024
107 Views

NASA 571 na Filipinos mula Lebanon ang handa nang umuwi habang 20 ang darating sa Pilipinas ngayong weekend.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapauwi sa mga Filipino dahil sa lumalalang tensyon sa Lebanon.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, sa 571, 221 ang handa na sa repatriation habang 350 ang pondo proseso na ng Lebanese immigration.

“This weekend, may mga 20 makauwi. Nagsimula na kagabi. May dalawang nauwi kagabi/kahapon, Biyernes at mayroon pang dalawang flights na dadating,” pahayag ni Cacdac.

Nasa 178 na Filipino ang nanatili sa Philippine-run shelters habang apat ang nasa temporary accommodations sa Beirut. May mga doctor, nurse at social worker aniya na nangangasiwa sa shelter.

“So, patuloy lang ang ating effort. Of course, we are still considering the option of chartering by air or by sea but we will leave the details muna,” Cacdac said. “We’re still undertaking the preparations and we’re leaving the details for that matter or for a future announcement,” pahayag ni Cacdac.

Nasa 11,000 na Filipinos ang nasa Lebanon kung saan karamihan ay nasa Beirut.