NCAA

5th win tangka ng Blazers

Theodore Jurado Apr 11, 2022
353 Views

SISIKAPIN ng College of Saint Benilde na makuha ang ikalimang sunod na panalo sa pakikipagtipan sa Jose RIzal University ngayon sa NCAA men’s basketball tournament sa La Salle Greenhills Gym.

Nagbabala si coach Charles Tiu na hindi dapat magpakumpiyansa ang Blazers sa alas-3 na hapon na duelo ng kulelat na Bombers.

“I don’t seem them as a winless team. They have had games they probably deserved to win or should have won,” sabi ni Tiu. “They are a tough physical team with talented players and very well coached.”

Tangan ang third-best na 4-1 kartada, nasa trangko ang CSB para sa dalawang outright Final Four berths pagkat kalahating laro lamang ang pagitan nila sa wala pang talong Letran at San Beda.

Maglalaro sana ngayon ang Knights at Red Lions, subalit inilipat ng liga noong nakaraang lingo ang rematch ng 2019 Finals sa April 29.

Para kay Tiu, hangad na na mapaangat ang Blazers sa bawat laro.

“We just take it one game at a time without looking at the standings. We just do our best every game and hopefully the results will follow,” sabid Tiu.

Malakas na sa pangunguna nina Robi Nayve, Will Gozum at AJ Benson, sumandal pa CSB kay Miggy Corteza sa 83-73 panalo laban sa University of Perpetual Help System Dalta noong Sabado.

Tumirada si Jason Celis ng season-high 26 points ngunit hindi ito naging sapat para sa JRU na bumagsak sa 0-5 makaraan ang 65-80 pagkatalo na nalasap mula sa kamay ng Emilio Aguinaldo College noong Sabado.

Magpapatuloy ang aksyon bukas bago ang Holy Week break sa pareho ring Mandaluyong venue, kung saan magtutuos ang San Sebastian at EAC sa alas-12 ng tanghali, na susundan ng alas-3 na duelo sa pagitan ng Mapua at Perpetual.