Ferdinand R. Marcos Jr.

6 medical program binuksan sa unang taon ni PBBM

168 Views

ANIM na medical program umano ang binuksan sa unang taon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang.

Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero de Vera III layunin sa pagbubukas ng programa ang madagdagan ang mga nagtatapos ng medical program sa bansa.

Sinabi ni De Vera na mula sa walo ay mayroon na ngayong 18 medical school sa mga state universities and colleges kung saan maaaring makakuha ng scholarship para sa medical education kapalit ng kanilang pagseserbisyo sa mga lugar na kokonti ang mga medical practitioner.

“Under the Duterte administration, four were produced or four programs are opened in five years; under the Marcos administration, six medical programs are opened in one year. So we really presented those where there was a significant difference,” ani De Vera.

Ayon kay De Vera ang mga bagong pampublikong medical school ay mayroong mga state-of-the-art equipment.

Gagawa rin umano ng hakbang ang CHED upang matugunan ang kakulangan ng mga nurse sa bansa.