Lapid

6 na mahahalagang panukalang batas inaprubahan agad ng Senado — Lapid

35 Views

MATAPOS ang 2025 midterm elections, muling nagtipon ang mga senador sa pagbubukas ng sesyon ng 19th Congress nitong Lunes, Hunyo 2.

Sinabi ni Senador Lito Lapid na anim agad na mahahalagang panukalang batas ang inaprubahan nila sa third and final reading, kabilang na rito ang Senate Bill No. 2974 o ang Expanded Philippine Science High School (PSHS) System Act.

Si Lapid ang principal author ng panukalang batas na ito.

Layon ng panukalang ito na dagdagan ang pondo, pahusayin ang pamamahala, at palawakin ang saklaw ng Philippine Science High School (PSHS) system sa buong bansa upang mahubog ang mga estudyanteng Pilipino bilang mga innovator at critical thinkers na handang tumugon sa mga hamon ng makabagong panahon.