Calendar

Provincial
60 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Zamboanga City
Zaida Delos Reyes
Aug 20, 2024
229
Views
ANIMNAPUNG pamilya na binubuo ng 237 katao ang naabo ang bahay sa sunog sa residential area noong Lunes sa Camino Nuevo, Zamboanga City.
Apat na residente ang nagtamo ng sunog sa iba’t- ibang parte ng katawan dahil sa insidente.
Batay sa ulat ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction ang Management Council, nagsimula ang sunog dakong ala-8:42 ng umaga at umabot sa ikatlong alarma at naapula dakong alas-11:09 ng tanghali.
Dinala ang mga apektadong pamilya sa iba’t-ibang evacuation sites sa lugar.
BAI kinumpirma unang kaso ng HPAI H5NP sa CamSur
May 7, 2025
P1M tinangay ng 3 holdaper sa courier company
May 7, 2025