Calendar
600 gramo ng shabu nasamsam ng pulis mula sa 2 suspek na tulak
MAHIGIT sa P4 na milyong halaga ng shabu na tumitimbang ng 600 na gramo ang nasamsam ng mga pulis sa dalawang drug suspek, kabilang ang 15-anyos na dalagita, sa buy-bust noong Martes sa Taguig City.
Dinakip ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Bernard Yang sina alyas Alvin, 27, at alyas Milagros, 15, nang pagbentahan ng shabu ang isang District Drug Enforcement Unit (DDEU) poseur-buyer sa parking lot ng isang mall sa Taguig alas-12:40 ng madaling araw.
Ayon kay BGen Yang, nasamsam sa dalawa ang humigit kumulang sa 600 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P4.08 milyon, isang kalibre. 9mm pistol, markadong salapi at cellphone na gamit sa pakikipag-transaksiyon.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 at paglabag sa RA 10591 si alyas Alvin habang paglabag sa Sec. 26 ng RA 9165 o pakikipagsabwatan si alyas Milagros sa Taguig City Prosecutor’s Office.
“What we have to stop is the network of the supply of illegal drugs in the community,” sabi ni B/Gen. Yang.