PCSO

63-anyos nanalo ng P35.3M sa lotto

170 Views

ISANG 63-anyos na babae na taga-Davao del Sur ang nanalo ng P35.31 milyon sa Lotto 6/42 noong Enero 17.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang nanalo ang nakakuha ng winning number combination na 34-24-02-06-33-07.

Ang nanalo ay isa umanong lector commentator sa kanilang simbahan at umaasa lamang sa SSS pensyon ng kanyang namayapang mister.

Inaalagaan umano ng nanalo ang mga numerong 7 at 2 dahil ito ay kanyang kaarawan. Ang iba pang tinamaang numero ay nakursunadahan lamang nito.

“Ako po ay nagpapasalamat una sa Panginoon sa biyayang ipinagkaloob sa akin at sa aking buong pamilya. Sa PCSO, maraming salamat at sana po ay marami pa kayong matulungang mga tao na umaasa sa inyo, maraming salamat po,” sabi ng nanalo.

Sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, ang premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20% buwis.