Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
Messenger binurdahan ng saksak, paktay
Gil Aman
Apr 15, 2025
397
Views
PATAY ang 45-anyos na messenger dahil sa mga saksak sa Purok 4, Brgy. Aplaya, Sta Rosa City, Laguna noong Martes.
Sa ulat ng Sta Rosa City police, kinilala ang biktima na si alyas Marlon ng Purok 5, Brgy. Aplaya ng siyudad.
Idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Catherine Francisco ng Sta. Rosa Community Hospital ang biktima dahil sa maraming saksak sa katawan.
Ayon sa imbestigasyon, bigla na lang inundayan ng mga saksak ng hindi nakikilalang suspek ang biktima habang nakatayo sa lugar mga bandang alas-12:18 ng hatinggabi.
Tumakas ang suspek na nakaitim na sando at jersey short matapos ang pananaksak.
Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

