LTFRB

639 bus binigyan ng special permit—LTFRB

151 Views

NAGBIGAY ng special permit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa 639 bus upang makabiyahe ang mga ito sa labas ng kanilang ruta.

Layunin ng pagbibigay ng special permit na matiyak na mayroong masasakyan ang mga uuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong kapaskuhan.

Kung kakailanganin, sinabi ni LTFRB technical division chief Joel Bolano na muling bubuksan ang paghahain ng aplikasyon para madagdagan pa ang mga nabigyan ng special permit.

Nagpakalat umano ang LTFRB sa iba’t ibang terminal upang magbantay.