Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
SOTTO LIGTAS SA CONTEMPT SA DESISYON NI LEONEN
Oct 13, 2026
Calendar
Provincial
Mahigit P2M na shabu nasamsam sa 3 drug suspek
Bernard Galang
Apr 29, 2025
499
Views
CAMP OLIVAS, City of San Fernando–Nasamsam ng mga miyembro ng Police Regional Office (PRO)-3 noong nakalipas na linggo ang P2,152,200 na halaga ng shabu sa anti-illegal drug operations sa Abucay at Balanga City, Bataan.
Sa unang operasyon na isinagawa ng SDEU operatives ng Abucay MPS sa Brgy. Capitangan, Abucay naaresto ang mga suspek na sina alyas Alvin at Izon.
Nakumpiska sa kanila ang tinatayang 66.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P452,200.
Sa sumunod na operasyon, nahuli ng mga operatiba ng Balanga City police si alyas Aldrin, 28.
Nakuha mula sa kanya ang 250 na gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P1.7 milyon.
Crime incidents sa CL bumaba ng 14.6%
Oct 12, 2026

