64-anyos na kelot idinikit ari sa bata, kakasuhan pati pamilya

9 Views

PATUNG-PATONG na kaso ang kakaharapin ng apat na miyembro ng pamilya na kinabibilangan ng 67-anyos na engineer, ang kaniyang misis at mga anak na architect at guro matapos na iuntog ng kanilang ama ang ari nito sa grade 4 na batang babae sa loob ng isang mall sa Quezon City noong Sabado ng gabi.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Project 6, Police Station (PS-15), bandang 9:00 ng gabi noong Sabado, (December 14), nang maganap ang insidente sa isang kilalang Mall sa Brgy. Sto. Cristo sa lungsod.

Ayon kay P/Lt. Col. Roldantes Sarmiento, hepe ng PS-15, ang biktima kasama ang kaniyang ina ay namamasyal sa mall nang dumaan sa likod ang engineer at iniuntog umano ang ari nito sa likod ng bata.

Agad namang sinabi ng ina ng bata sa engineer na “Mag-excuse naman po kayo” pero sa halip ay pinagtulungan umano ito ng mga anak at asawa nito, at saka dinuro-duro ang mag-ina.

Dahil walang laban, binidyuhan ng ina ng bata ang mga suspek pero muli siyang dinuro ng mga suspek at galit na sinabing “Bakit ka nagvi-video?”

Habang nagtatalo ang magkabilang panig, nanginginig sa takot na pumunta ang bata sa likuran ng kanyang ina na kalaunan ay naawat naman ng guwardiya ng mall at dinala sila sa himpilan ng pulisya.

“Nung pagpasok po namin sa dept store para tumingin kami ng relo ng may bumunggo po sa anak ko na matandang lalaki at nabunggo din ako kasi tumama na kami sa glass kung saan nakalagay yung mga relo, sinabi ko sa kanya “Couldn’t have said excused me”, tinignan ko siya dahil mukhang idinikit nya ang kanyang genitals sa anak ko dahil patagilid siyang dumaan sa likod naming mag ina,”pahayag ng ina ng bata.

Kinasuhan na ang mga suspek nag paglabag sa RA 11313 (Anti Bastos Law), Unjust Vexation at RA 7610 (Child Abuse) sa Quezon City prosecutor’s office.