PSA

65M national ID naipamigay na—PSA

76 Views

MAHIGIT 65 milyong physical at virtual national identification card na umano ang naipamigay ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong ngayong buwan.

Ayon sa PSA nakapag-imprenta na ito ng 65,050,382 Philippine Identification System (PhilIDs) at ePhilIDs mula ng umpisahan ang implementasyon ng Philippine Identification System (PhilSys).

Sa bilang na ito, 31,204,200 ang na-deliver na hanggang noong Mayo 19 samantalang 33,846,182 ePhilIDs naman ang naibigay na hanggang noong Mayo 20.

Ipinaalala ng PSA sa mga nakapagparehistro na bisitahin ang https://appt.philsys.gov.ph upang malaman kung maaari na nilang kunin ang kanilang ePhilID.

Ang mga nakapagrehistro na at nakatanggap ng opisyal na text message mula sa PSA ay maaari naman umanong mag-download ng PDF copy ng kanilang ePhilID sa kanilang mobile devices.