BBM

PBBM: PH host ng 2024 Forbes Asia Forum, Forbes Global CEO Conference

115 Views

PUMAYAG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang Pilipinas ang mag-host ng Forbes Asia Forum at Forbes Global CEO Conference sa susunod na taon.

Ipinahayag umano ng Pangulo ang kanyang pagpayag sa pakikipagpulong nito sa mga senior executive ng Forbes Media LCC sa Malacañang.

“I hope that we can feature that in this conference and we can show the Philippines as it is now, as opposed to perhaps some of the ideas that people have had almost for a while,” ani Pangulong Marcos.

Nagsasama-sama sa naturang conference ang mga CEO, tycoon, investor, at mga lider mula sa iba’t ibang kompanya at bansa upang talakayin ang mga international issue.

Ngayong taon, gaganapin ang conference sa Singapore. Inimbita rin si Pangulong Marcos na dumalo roon sa Setyembre.