Dimacuha

7.1 quake malulusutan ng Batangas City

14 Views

BATANGAS City–Nakiisa ang Batangas City noong Huwebes sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na itinaguyod ng City Disaster Risk Reduction & Management Council (CDRRMC).

Scenario ng drill ang 7.1 magnitude na lindol na naramdaman bandang alas-8:40 hanggang alas-8:41 ng umaga.

Sunud-sunod na lumabas ng gusali ang 600 na kawani ng lokal na pamahalaan na naka-duck, cover at hold nang tumunog ang sirena.

Nagsilbing evacuation area ang Plaza Mabini.

Binuo ang Incident Management Team (IMT) sa direktiba ni CDRRMC Chairperson Mayor Beverley Dimacuha na tumayong Responsible Official (RO) habang Incident Commander (IC) si City Engineer Dwight Arellano.

Nakiisa bilang mga observers ang mga kinatawan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Batangas City at Philippine Red Cross Batangas Chapter.

Nag-iwan ng bahagyang pinsala sa mga gusali at kagamitan ang nasabing lindol.

Matapos matiyak na kumpleto at ligtas ang lahat ng empleyado, gayundin ang mga opisina at pasilidad ng City Hall, pinabalik na ang mga ito sa kani-kanilang tanggapan.