PCG

7 mangingisdang Chinese nailigtas ng PCG

125 Views

SINAKLOLOHAN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pitong mangingisdang Chinese sa Eastern Samar noong Biyernes, Enero 27.

Ayon sa ulat ng PCG, ipinadala nito ang BRP Cabra (MRRV-4409) upang iligtas ang mga mangingisda sa Suluan Island, Guiuan, Eastern Samar matapos masira ang kanilang bangka (FV KAI DA 899).

Nakatanggap umano ng ulat ang PCG Command Center alas-2:09 ng hapon kaugnay ng pagkabutas ng FV KAI DA 899 kaya pinasok ito ng tubig.

Bukod sa pagligtas sa mga mangingisdang Chinese, hinatak din ng PCG ang kanilang bangka sa Tacloban Port.