Calendar
70M Pinoy fully vaccinated na vs COVID-19
UMABOT na sa 70 milyon ang bilang ng mga Pilipino na fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang noong Mayo 28 ay 70,790,342 indibidwal na ang nakakompleto ng bakuna laban sa COVID-19. Mayroong mga bakuna na isang dose lang ang kailangan.
Sa bilang ng mga fully vaccinated, 2.9 milyon ang healthcare worker, 7.9 milyon ang senior citizen, at 9.6 milyon ang persons with comorbidities.
Sa katergorya ng mga rehiyon, pinakamarami ang fully vaccinated na sa Metro Manila na umaabot sa 9.6 milyon, sumunod ang Calabarzon na may 6.7 milyon, at Central Luzon na may 5.4 milyon.
Target ng gobyerno na makumpleto ang bakuna ng 77 milyong Pilipino hanggang sa Hunyo.
Nanawagan ang DOH sa mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang kanilang vaccination efforts upang mahikayat ang mga hindi pa nababakunahan.